Muling ibalik

Muli na namang sasabak ang Pilipinas sa Southeast Asian games sa Kuala, Lumpur, Malaysia sa Agosto 19-31 , 2017 ngunit, ano kaya ang magiging kapalaran ng bansa sa darating na paligsahang ito?

Para kay Gng. Rubie Ann M. Barnedo, School Paper Adviser ng San Isidro National High School, na kung mayroong mga suporta, matutukan ang isports at magiging inspirasyon daw ito para manalo.

Ayon naman sa ilang kritiko sa social media, mukhang hindi na raw ito mangyayari, dahil kulang na raw ang isinasagawang pag-eensayo ng Pilipinas, at kulang ang mga binibigay na suporta at pondo na nanggagaling sa pamahalaan

Mahaba pa ang ating lalakbayin at marami pang panahon. Maari pang mag-ensayo. Huwag nang magpahuli pa. Ibalik ang tunay na galing ng Pinoy at ipakita sa mundo.

Muli na namang sasabak ang Pilipinas sa Southeast Asian games sa Kuala, Lumpur, Malaysia sa Agosto 19-31 , 2017 ngunit, ano kaya ang magiging kapalaran ng bansa sa darating na paligsahang ito?

Para kay Gng. Rubie Ann M. Barnedo, School Paper Adviser ng San Isidro National High School, na kung mayroong mga suporta, matutukan ang isports at magiging inspirasyon daw ito para manalo.

Ayon naman sa ilang kritiko sa social media, mukhang hindi na raw ito mangyayari, dahil kulang na raw ang isinasagawang pag-eensayo ng Pilipinas, at kulang ang mga binibigay na suporta at pondo na nanggagaling sa pamahalaan

Mahaba pa ang ating lalakbayin at marami pang panahon. Maari pang mag-ensayo. Huwag nang magpahuli pa. Ibalik ang tunay na galing ng Pinoy at ipakita sa mundo.

Advertisements

Totoong laban ng buhay

Isports

Inihahalintulad ng mga tao ang kanilang buhay sa isang bagay, ngunit para kay Gng. Rubie Ann M. Barnedo, maihahambing ang larong balibol sa kanyang buhay.

     “Ang bola ay ang mga challenge na kailangan nating tanggapin, harapin at dapat matapang natin itong masolusyunan upang mapagtagumpayan natin ito,” ani Gng. Barnedo.

Isang guro at school paper adviser ng San Isidro National High School si Gng. Barnedo at mahilig siya sa larong balibol.

Kung para sa iba ordinaryo lamang ang larong ito ngunit para kay Gng. Barnedo, ito ang nagbibigay kahulugan sa totoong laban ng buhay.

 

 

THAI pinataob ang South Korea, 2-0

  Isports

Napataob ng Thailand ang South Korea, 15-6, 15-9 , matapos magpamalas si Sakha nang mabibilis at nakakalitong mga bicycle kick sa Sepaktakraw King’s Cup Men’s Championship noong Hulyo 2-8, 2012.

Nakapaggasolina si Kaokaew ng Thailand ng walong puntos at napapaloob dito ang kanyang mababagsik na bicycle kick nang makipagsanib puwersa kay Sakha para maitanghal na kampeon sa laro.

“We helped each other to win the championship round. I also thank our supporters and to God that I made that powerful bicycle kicks,” ani Sakha.

Buong gilas na paglalaro ang ginawa at pinukol nina Sakha, Peachan, Kaokaew, laban sa katunggaling kanilang pinadapa na sina Young, Jun at Man ng South Korea sa huling set, 15-9.

Guro: Internet, tulong sa eleksyon

“Ang internet ay nakakatulong sa eleksyon. Dahil dito, we can inform issues, we can share ideas to help our friends and our parents to decide who will be the next president.”

     Ito ang sinabi ni G. Marvin M. Enderes, guro sa Colegio San Agustin, sa isang press conference sa Division Office ng Mandaluyong, Pebrero 14, tungkol sa kahalagahan ng internet sa darating na eleksyon.

 

Social Media, mahalaga sa pamamahayag – SPA

  Balita

   Mahalaga ang pamamahayag dahil ito ang sagot upang madaling maibahagi ang mga balita sa taumbayan, ayon sa isang school paper adviser.

Sa isang press conference sa Division Office ng Mandaluyong, Pebrero 14, sinabi ni G. Kerwin M. Regis, SPA, na marami ang naitutulong ng social media sa pamamahayag.

“Napakahalaga ng social media sa pamamahayag dahil dito, nakakapagbahagi tayo ng mga bagong isyu at ng ating mga opinion,” ani G. Regis.

Korapsyon, solusyunan – SPA

Balita;

     Ang korapsyon ang haharapin ng susunod na pangulo dahil marami itong naidudulot sa bansa , batay sa isang school paper adviser.

Sa isang press conference sa Division Office ng Mandaluyong, Pebrero 14, sinabi ni G. Marvin M. Enderes, school paper adviser ng Colegio San Agustin, na kailangang pagtuunan ng pansin ang problemang korapsyon sa bansa.

“Ang korapsyon ang dapat na harapin ng susunod na pangulo because it is the source of all evil that can cause poverty, wrong politics and traffic,” ani G. Enderes.

Dagdag pa ni G. Antony Augusto M. Garcia, SPA, na kailangang ipatupad ng mga mambabatas ang mga batas ng tama upang makatulong sa bansa.

 

 

Kapit-bisig sa pagresolba

Nagsimula na ng kampanya para sa mga tatakbong presidente, bise presidente at mga representative ng mga partido. Kanya-kanyang lugar nang tinungo para sa ilatag ang kanilang plataporma at mga pangako sa mamamayan sa nalalapit na eleksyon sa Mayo. Kailangan nating isaalang-alang ang mga pribilehiyo ng susunod na lider.

Marami ang haharaping problema ng susunod na pangulo kung kaya’t para sa isan outstanding school paper adviser 2015 na si G. Marvin M. Enderes, korupsyon ang kailangang lutasin dahil ito ang pinanggalingan ng lahat ng kasamaan.

Kapit-bisig tayong magresolba ng problemang kinahaharap ng bansa. Dapat na magkaisa ang lahat ng lider sa ating estado mula sa president hanggang sa pinakamababang posisyon ng politika.