Pamamahayag at Teknolohiya

Lathalain

Bahagi na ang teknolohiya sa buhay ng bawat isa. Ano nga ba ang tulong nito sa pamamahayag?

“Napakahalaga ng teknolohiya sa pamamahayag dahil mabilis na kumakalat ang balita”, ani ni G. Kerwin M. Regis. Sa isang post pa lamang ay maihahayag na ang nais mong ipahatid tulad ng iyong emosyon. Dagdag pa ni G. Anthony Augusto M. Garcia.

Samakatuwid, malaki ang ginagampanan ng teknolohiya sa mga peryodistang tulad ko.

 

 

niuliuhklk.png

Advertisements

Mag-isip nang mabuti

Editoryal

Umpisa na ng karera at labanan. Nagpapakilala na ang mga kandidato sa taumbayan kung ano ba talaga ang kanilang mga kulay, base na rin sa kanilang mga inaasal. Ano ba ang magagawa nating kabataan?

Sinabi ni G. Marvin M. Enderes, outstanding school paper adviser 2015, sa pamamagitan ng internet, makakapagbahagi tayo ng impormasyon lalo na sa mga boboto sa darating na Mayo.

Kailangan nating mag-isip nang mabuti bago magsulat ng mali. Matauhan na sana ang mga mamamayan sa paghirang ng maling kandidato.

Kapayapaan at katahimikan

Editoryal

     Inaasahan ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa kasong inihain laban sa China sa Mayo, ayon sa nagbitiw na Foreign Affairs Secretary Alberto del Rosario. Matatapos pa kaya ang mahabang usapin na ito?

Noong Enero 2014, naghain ng kaso ang Pilipinas sa international tribunal sa The Hauge, Netherlands laban sa China kaugnay sa agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea.

Batay kay G. Kerwin M. Regis, outstanding school paper adviser 2014, matagal na ang issue na ito sa mga nabanggit na bansa. Kailangan at nararapat lamang na ipaglaban kung ano ang para sa atin.

Sa nakaraang buwan naman, nagprotesta ang Pilipinas sa ginawang test flights sa Kagitingan Reef sa West Philippine Sea. Ayon kay Foreign Affairs spokesperson Charles Jose, mapangahas ang ginawang test flight ng China sa pinag-aagawang teritoryo.

Samakatuwid, kailangan nating idaan ito sa maayos na usapan ng sa gayon ay magkaroon ng katahimikan at kapayapaan ang dalawang bansa. Magkaisa tayo sa gaganaping usapan sa Association Of Southeast Asian Nations-Us Summit sa Calfornia mula Pebrero 15 hanggang 16.

 

Ginintuang Memorya

lathalain

Masaya maging bata. Marami kang nagagawa, maraming panahong maglibang at maglakbay at maraming masasayang karanasan ang naiiwan.

Isang simpleng bata lamang noon si G. Marvin M. Enderes. Kwento niya, mahilig siyang maglaro sa bundok sa kanilang probinsya at makipaglaro sa kanyang mga kaibigan.

                Ngayon, hindi na siya maaaring manirahan pa sa probinsya sapagkat narito na sa syudad ang kanyang ikabubuhay. Ngunit ayon sa kanya, nais pa rin niyang bisitahin ang dating lugar kung saan siya lumaki at nag- iwan ng mga ginintuang memorya.

                Samakatuwid, hindi ko kailanman kalilimutan ang mga karanasan ko ngayong bata pa lamang nang mayroon akong maipagmamalaki sa aking pagtanda.

Papel ng Kabataan sa Halalan

Editoryal 

Darating na muli ang halalan sa bansa at may bagong pinunong mamamahala. Ako bilang isang bata, may magagawa ba ako upang makagawa ng pagbabago?

Dahil bata pa lamang, wala pa akong karapatang makaboto, ngunit ayon kay G. Marvin M. Enderes, maaaring magpahayag ng kanilang mga damdamin ang kabataan. Mayroon silang kapangyarihan at impluwensya sa kani- kanilang mga magulang at mga kaibigan.

“Magsisilbi rin silang sandigan ng isang malinis at tapat na halalan”, ani G. Anthony Augusto M. Garcia.

Base naman sa pahayag ni G. Kerwin M. Regis,maaaring ipamahagi ng mga bata kung anu- ano ang mga kalidad ng isang magaling na lider.

Ngayon, may maiaambag na rin ang mga kabataan tungo sa pagbabago ng buong Pilipinas. Sa tulong ng opinyong maihahayag ng mga bata, maaaring umunlad, tumaas ang kalidad ng edukasyon at libel ng pamumuhay. Magkakaroon ang lahat ng hanapbuhay at hindi na aasa sa tulong ng ibang bansa kung magiging isang mahusay na lider ang mahahalal.

Samakatuwid, may papel na ginagampanan ang lahat ng mamamayan sa darating na halalan maging ang mga batang tulad ko.